Ano Ibig Sabihin Ng Batang Puso, Madaling Marahuyo
Ano ibig sabihin ng batang puso, madaling marahuyo
Answer:
"Batang puso, madaling marahuyo"
Ang salawikain na ito ay nangangahulugang hindi dapat magpadalos-dalos ang mga kabataan dahil sa panahon ngayon sila ay madaling maakit at matukso. Dapat pinag-iisipang mabuti ang mga desisyon at pagpapasiyang gagawin upang hindi pagsisihan sa huli.
Salawikain
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay, karaniwang sambitin ito ngayon na pwede nating gamitin sa totoong buhay.
Iba pang Halimbawa ng Salawikain
- Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit
- Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa
- Lahat ng gubat ay may ahas
- Kung ano ang puno, siya ang bunga
- Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin
- Kung may isinuksok, may madudukot
- Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
- Kapag may isinuksok, may madudukot.
- Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
- Kung may tinanim, may aanihin.
- Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.
- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
- Sala sa lamig, sala sa init.
- Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:
Iba pang Halimbawa ng Salawikain: brainly.ph/question/655595
Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/12284
#LetsStudy
Comments
Post a Comment