Tula Tungkol Sa Sektor Ng Industriya
Tula tungkol sa sektor ng industriya
Mahalaga ang sektor ng industriya sa ating mundo. Ang sektor ng industriya ang gumagawa ng mga produkto mula sa mga hilaw na materyal. Kaugnay nito, ang halimbawa ng tula tungkol sa sektor ng industriya ay narito.
Sektor ng industriya ay mahalaga,
Ibat ibang produkto, kayang ibuga.
Pagmamanupaktura at pagmimina,
sa sektor na ito ay nagpapagana.
Kabilang din sa sektor ay ang konstruksyon.
Ang utilities din ay may kontribusyon.
O, salamat sa sektor ng industriya,
at dahil dito, buhay ay sumasaya.
Narito ang iba pang detalye tungkol sa sektor ng industriya.
I. Ano ba ang Sektor ng Industriya?
- Ang sektor ng industriya ang sanhi kung bakit maraming mga produkto sa ating lipunan.
- Ang mga produktong ito ay mula sa mga hilaw na materyal o mas kilala bilang "raw materials".
II. Mga sub-sektor ng Industriya
Ang sektor ng industriya ay may mga sub-sektor. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Pagmimina (Mining) - Ito ay nagmumula sa mga yamang mineral kagaya ng ginto, pilak, enerhiya, at iba pa.
- Pagmamanupaktura (Manufacturing) - Ito ay paggawa ng mga produkto gamit ang kakayahan ng tao o di kayay makina.
- Konstruksyon (Construction) - Ito ay mga gawain kagaya ng paggawa ng mga tulay, pagtatayo ng mga imprastraktura, at iba.
- Utilities - Ito ay binubuo ng mga kumpanya na nagsusuplay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Ang halimbawa ng mga pangunahing pangangailangan ay tubig, kuryente, at iba pa.
III. Tungkol sa Tula
- Ang halimbawa ng tula sa itaas ay may sukat na 12.
- Ito ay nagpapakita kung ano nga ba ang sektor ng industriya at mga sub-sektor nito.
Iyan ang halimbawa ng tula tungkol sa sektor ng industriya. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
- Ano ang sektor ng industriya at kahalagahan nito? brainly.ph/question/524673, brainly.ph/question/532992, brainly.ph/question/512387
Comments
Post a Comment