Paraan Para Lumabas Ang Regla
Paraan para lumabas ang regla
May mga tao na nahihirapan na lumabas ang regla. May mga dahilan kung bakit nangyayari ito. May mga paraan din para lumbas ang regla na pwedeng magawa ng isang tao. Pero bago gumawa ng kahit ano o di kaya ay uminom ng gamot, kailangan magpakonsulta muna sa isang doktor para maeksamin kung bakit walang regla. Pwede kasing delayed lamang ito, pero pwede din naman na dahil ikaw ay irregular.
Narito ang ilang paraan:
- Ehersisyo - ang pag eehersisyo ay paraan upang paluwagin ang mga muscle sa katawan at nakakatulong na magpalabas ng regla. Hindi ito epektibo sa lahat pero mas maganda na din na mag ehersisyo para sa benepisyo nito sa ating katawan.
- Relaxation - kadalasan stress ang nagpapa-delay ng regla. Kaya makakatulogn kung magrerelax muna. Pwedeng mag deep breathing exercise. Pwede din magyoga at mag-meditate upang mabawasan ang stress hormones.
- Masahe - isang paraan din para makapagrelaks ay ang pagpapamasahe. Dahil sa napapaluwag nito ang mga muscle sa katawan maari din ito makatulong sa pagpapalabas ng regla.
- Diet at Pagkontrol ng Timbang - ang tamang pagkain ay malaki ang maitutulong para maging regular ang regla. Kapag masyadong payat o masyadong mataba, maari ito maging daan para madelay o matigil ang regla. Pwede din magkaroon ng polycystic ovarian syndrome o PCOS na cause din ng pagkadelay ng regla.
- Pagkain ng Pinya - may mga nagsasabi din na nakakatulong ang pagkain ng pinya para mapalabas ang regla dahil sa taglay nitong bromelain. May tulong din ito para mapababa ang hypertension ng isang tao.
- Vitamin C - pwede din uminom ng Vitamin C na hindi lamang nakakatulong sa pagpapalakas ng resistensya kundi din sa pagtulong para maging regular ang regla. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa VItamin C.
- Iba pang gulay o herbs - pwede din kumain ng herbs o gulay na gaya ng papaya, celery, oregano, parsley at cinnamon para matulungang mapadali ang regla.
Tandaan na kung may problema sa regla, magpatingin sa isang ob-gynecologist para malaman kung ano ang sanhi ng pagpapagdelay o pagtigil ng regla.
#LetsStudy
For more infromation:
OB-GYN: brainly.ph/question/634281
Menstrual Cycle: brainly.ph/question/252027
Comments
Post a Comment