Magbigay Ng Slogan Na Ang Topic Ay Tungkol Sa Sipag, Tiyaga, Pangarap, Mithiin
Magbigay ng slogan na ang topic ay tungkol sa Sipag, tiyaga, pangarap, mithiin
Ito ay ilan lamang sa kahulugan ng sipag, tiyaga, pangarap at mithiin.
Mabilis kang kumilos; Ayaw mong ikay naghihikahos.- Mr. Masipag
Paliwanag: Ang isa na masipag ay maaasahang mong kikilos ayon sa nakaatang sa kaniya na responsibilidad at hindi niya ito ipinapasa sa iba. Makikita mo sa kaniyang mga gawa na hindi siya nagkukulang dahil napaglalaanan niya ang sariling kaniya.
Gusto kong magtiis sa tagumpay kong kay tamis! - Mr. Matiyaga
Paliwanag: Ang isa na tunay na matiyaga ay may pangarap. Hindi niya iyon lilisanin ng walang resulta. Tinitingnan niya at dinadaanan ang bawat proseso. Kaya kapag naabot na niya ito, tunay na kay tamis na yakap sa tagumpay.
Akoy nangarap upang maging pangarap ng iba! - Mr. Pangarap
Paliwanag: Mali bang umasa na tularan ka ng iba? Hindi naman lalo na kung dahil sa pag-abot sa iyong pangarap ay nagkaroon ng inspirasyon ito sa iba na umabot din ng gayunding pangarap.
Siya kong nais, nagtuos, at kumilos! - Mr. Mithiin
Paliwanag: Ang mithiin ay mga naisin natin sa buhay. Ito ang sinasbai ng ating puso na maganap, lakaran o maranasan. Ito ang gumagabay sa ating pagtutuos wika nga ay sa paglalaan ng panahon upang tuusin ang gastusin. Kapag nauunawaan na ng isa ang kanilangan niya, kikilos na siya ayon dito.
Comments
Post a Comment