Ano Ang Bahagi Ng Pahayagan?
Ano ang bahagi ng pahayagan?
●Bahagi ng Pahayagan●
>Pangmukhang Pahina- Makikita rito ang pangalan ng pahayagan at mga pangunahin o mahahalagang balita.
>Balita Pandaigdig- Mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa ibat ibang bahagi ng mundo.
>Balitang Panlalawigan- Mababasa rito ang balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.
>Pangulong Tudling/Editoryal- Sa pahinang ito mababasa ang kuro-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.
>Balitang Komersyo- Dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo.
>Anunsyo Klasipikado- Makikita rito ang mga anunsyo pata sa ibat ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili.
>Obitwaryo- Ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.
>Lifestyle- Mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.
>Sports- Naglalaman ito ng balitang pampalakasan.
Comments
Post a Comment