____13. Alin Sa Sumusunod Na Pahayag Ang Ginagamitan Ng Eupemistikong Pahayag?, A. Sumakabilang Buhay Para Sa Namatay, B. Magbuburo Sa Asin Para Sa Hi

____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag?

a. sumakabilang buhay para sa namatay
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa
c. buto't balat para sa payat
d. papatay-patay para sa hipong tulog

Answer:

A. Sumakabilang buhay para sa namatay

Explanation:

Ang letra B, C at D ay mga pahayag na hindi magandang pakinggan para sa mga hindi maganda ang kalagayan.

Ang pagsasabing magbuburo sa asin ay walang kahinhinang pahayag na hindi na magagamit ang kakayahan sa pag-aanak dahil sa hindi pag-aasawa. Tumitindi ang pagkahabag ng isa bagaman siya ay naghahangad na makapangasawa.

Ang pagsasabi ng butot-balat sa isang payat ay lalong nagpapatindi ng kalagayan anupat lalong magpapalungkot sa isang payat na nagnanais tumaba. Iyon nga mismo ang ayaw niyang mangyari sa kaniyang katawan.

Ang salitang papatay-patay ay isang matinding paghatol para sa isang mabagal na nagsasabing siya ay iresponsable o tamad. Posible ngang tamad ang isa kaya siya ay mabagal, pero hindi ito magbibigay ng pampasigla para sa isang mabagal kumilos o sa isang tamad pa nga!

Ang paggamit ng terminong sumakabilang buhay ay matagal ng pahayag para sa nawalan ng mahal sa buhay. Ipinapakita nito na ang mahal niya sa buhay ay namamahinga na, hindi na nakakaramdam ng sakit at panatag na. Ito ay isang relihiyosong paniniwala.

Basahin ang kahulugan ng eupemistikong pahayag sa brainly.ph/question/38843.

Marami pang halimbawa ng eupemistikong pahayag. Basahin ang ilan sa brainly.ph/question/59236; brainly.ph/question/186464.

Code: 8.1.1.1.


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng Slogan Na Ang Topic Ay Tungkol Sa Sipag, Tiyaga, Pangarap, Mithiin

Ano Ang Puntong Nais Iparating Ni Isagani Sa Pari?

Talasalitaan , Paalala, Sinalakay, Makita, Lumitaw, Sinakmal