Ano Ang Tinaguriang People Power

Ano ang tinaguriang people power

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng Slogan Na Ang Topic Ay Tungkol Sa Sipag, Tiyaga, Pangarap, Mithiin

Ano Ang Puntong Nais Iparating Ni Isagani Sa Pari?

Talasalitaan , Paalala, Sinalakay, Makita, Lumitaw, Sinakmal